Tuesday, December 15, 2009

Ang tawag ko dito ay “Luha”

Ika nga ni Dean,
Ano pa ang aming sasabihin
Na hindi nyo pa naririnig
Mula sa amin?

Bahala na.

Bago ako magsimula
Humihingi ako ng paumanhin
Mula kay Jose Corazon De Jesus
At pati na rin kay Nick Joaquin

Ang tawag ko dito ay “Luha”

Luha

Isang eksameng maputi
Ang isinusulat, luha
Kaya wala kang maisagot
Sa mga tanong na mahahaba

Kinabisa at iniisip
Mga reviewer na mahahaba
Namuti na ang mata
Hindi pa rin maunawa

Hindi ko na kaya
Sasabog na ang utak
Mam, ser, papansinin nyo po ba ako
Kung ako’y bumagsak?

Susginoo,
Oo naman,
Pero wala na kaming
Magagawa dyan
Good Luck, godspeed,
Do your best, have fun
Nasa sa inyong
mga kamay na iyan

Dala ang reviewer
Sa meeting, sa sunken
Sa party, sa debut
Sa bahay ng girlpren

Sa bus, sa dyip,
Sa dorm, dis-oras ng gabi
Agahan, hapunan
Umaga, tanghali

Nag-SM, nag-Eastwood
Pampa-tanggal ng kaba
Nag-sine, gumimik
Nag-shopping sa Trinoma

Sa lounge ng opisina, sa oval
Sa library, sabado sa tambayan
Sa likod ng City Hall, Shakey’s
Sa lahat ng sulok ng Ka-UP-han

Chicheria, kape,
Bumabaha ng Cobra
Madami pa ring
Tatapusin sa opisina

Nag-Facebook, nag-Friendster
Nag-Starbucks, nag-emo
Nag-Mafia wars, nag-Farmville
Nag-isaw sa kanto

Andami-dami naman
Ng re-reviewhin ko
Winston Red, Marlboro Black
Mag-yosi muna tayo

Nag-hiwalay, nagka-gf
Nagka-BF, nag-hiwalay
Nakatulog sa rebyu
Tumutulo pa ang laway

Dumaan ang Ondoy
Nanalo si Pacquiao
Namatay si Cory, FrancisM
Massacre sa Maguindanao

Lumangoy po ako pauwi
Hanggang bewang po nun
Bewang sa iyo
Pero tuhod lang sa amin yun

Nawala sa Quiapo
Na-late dumating
Naputulan ng pencil
Unti-unting na-praning

Segurista, segurista,
OC masyado
Pinapalabas na
Ng proctor sa kwarto

Sumama ang loob
Nalungkot, Nainis
Nabwisit sa trabaho
Gustong umalis

Mag-papagupit , mag-papakulot
Na ba ako?
Huy, may nagpadala daw ng bulaklak
Sa opis mo?

Hindi naniwala
Na number 1 ka
Kahit ilang ulit sabihin
Sa iyo ni Mam Iyra

Hindi naniwala
Sa text ni Dean na ika’y top two
Nag-text back pa
Ng malutong na “Who U?”

Ilang beses ka bang
Umiyak ng matagal?
Ilang beses ka ring
Taimtim na nagdasal?

Isang eksenang maputi
Ang isinusulat, luha
Kaya wala kang maisagot
Sa mga tanong na mahahaba

Kinabisa at iniisip
Mga leksiyon na nakakalula
Namuti na ang mata
Hindi pa rin maunawa

Isang Tagay sa Tagumpay!
Congratulations.

8 comments:

  1. hahaha nice! :D
    batu-bato sa langit oh :D

    Congrats! ( '" \(` ~,..,~)

    ReplyDelete
  2. Hehehe. @fauxx, sabi ko nga, ang mag-react... guilty. hehehehe.

    ReplyDelete
  3. naks naman sa tula si sir! clap! clap! bakit walang ganitong tribute nung time namin? choz. hahahah. ;)

    ReplyDelete
  4. wala na ata ako nung time nyo na yun? kelan ba yun? :D last year lang ako nagsususulat uli ng mga ganyan.

    ReplyDelete
  5. 2006. hahahah. yepyep. medyo hindi nga po kayo visible nun sir. :)

    ReplyDelete