Showing posts with label poetry. Show all posts
Showing posts with label poetry. Show all posts

Wednesday, April 7, 2010

all it takes is...

ten seconds lang naging tatlong oras
ika-anim ng abril naging isang hudas
hindi naman biro, hindi nakakatawa
sinabi na kasing wag magtanong o manghula

hindi kasi marunong magsinungaling
sa susunod umiwas at humarap sa dingding
wala namang diskarteng nasira o natuloy
isang dagok lang 'to sa buhay ng isang unggoy

big bang theory, head in cloud 9
I'll never go, I'll never go far, walking on sunshine
kailangan ko lang ng sandamukal na sunblock
bad romance bossanova basha, simple lang, pero rock

ten seconds lang naging tatlong oras
tatlong oras lang, pero ambilis na lumipas
hinihintay ko lang na sumikat ang araw
makatulog na nga, may pasok pa nga daw

Tuesday, December 15, 2009

Ang tawag ko dito ay “Luha”

Ika nga ni Dean,
Ano pa ang aming sasabihin
Na hindi nyo pa naririnig
Mula sa amin?

Bahala na.

Bago ako magsimula
Humihingi ako ng paumanhin
Mula kay Jose Corazon De Jesus
At pati na rin kay Nick Joaquin

Ang tawag ko dito ay “Luha”

Luha

Isang eksameng maputi
Ang isinusulat, luha
Kaya wala kang maisagot
Sa mga tanong na mahahaba

Kinabisa at iniisip
Mga reviewer na mahahaba
Namuti na ang mata
Hindi pa rin maunawa

Hindi ko na kaya
Sasabog na ang utak
Mam, ser, papansinin nyo po ba ako
Kung ako’y bumagsak?

Susginoo,
Oo naman,
Pero wala na kaming
Magagawa dyan
Good Luck, godspeed,
Do your best, have fun
Nasa sa inyong
mga kamay na iyan

Dala ang reviewer
Sa meeting, sa sunken
Sa party, sa debut
Sa bahay ng girlpren

Sa bus, sa dyip,
Sa dorm, dis-oras ng gabi
Agahan, hapunan
Umaga, tanghali

Nag-SM, nag-Eastwood
Pampa-tanggal ng kaba
Nag-sine, gumimik
Nag-shopping sa Trinoma

Sa lounge ng opisina, sa oval
Sa library, sabado sa tambayan
Sa likod ng City Hall, Shakey’s
Sa lahat ng sulok ng Ka-UP-han

Chicheria, kape,
Bumabaha ng Cobra
Madami pa ring
Tatapusin sa opisina

Nag-Facebook, nag-Friendster
Nag-Starbucks, nag-emo
Nag-Mafia wars, nag-Farmville
Nag-isaw sa kanto

Andami-dami naman
Ng re-reviewhin ko
Winston Red, Marlboro Black
Mag-yosi muna tayo

Nag-hiwalay, nagka-gf
Nagka-BF, nag-hiwalay
Nakatulog sa rebyu
Tumutulo pa ang laway

Dumaan ang Ondoy
Nanalo si Pacquiao
Namatay si Cory, FrancisM
Massacre sa Maguindanao

Lumangoy po ako pauwi
Hanggang bewang po nun
Bewang sa iyo
Pero tuhod lang sa amin yun

Nawala sa Quiapo
Na-late dumating
Naputulan ng pencil
Unti-unting na-praning

Segurista, segurista,
OC masyado
Pinapalabas na
Ng proctor sa kwarto

Sumama ang loob
Nalungkot, Nainis
Nabwisit sa trabaho
Gustong umalis

Mag-papagupit , mag-papakulot
Na ba ako?
Huy, may nagpadala daw ng bulaklak
Sa opis mo?

Hindi naniwala
Na number 1 ka
Kahit ilang ulit sabihin
Sa iyo ni Mam Iyra

Hindi naniwala
Sa text ni Dean na ika’y top two
Nag-text back pa
Ng malutong na “Who U?”

Ilang beses ka bang
Umiyak ng matagal?
Ilang beses ka ring
Taimtim na nagdasal?

Isang eksenang maputi
Ang isinusulat, luha
Kaya wala kang maisagot
Sa mga tanong na mahahaba

Kinabisa at iniisip
Mga leksiyon na nakakalula
Namuti na ang mata
Hindi pa rin maunawa

Isang Tagay sa Tagumpay!
Congratulations.

Thursday, September 11, 2008

Nakaukit sa Bato


Konting ligaya
Konting lungkot
Padaplis-daplis lang
Pagkat buhay ay maramot

Konting inom
Pantanggal ng bagot
Konting usap
Pantanggal ng gusot

Iniisip parati
Mga dagok ng buhay
Madalas ninanais
Na ika’y walang malay

Ganyan talaga
Isipin kasinungalingan
Sa presinto magpaliwanag
Limot ang katotohanan

Isipin ang tama
Pabayaan ang mali
Palampasin ang pagkakataon
Panahon ay di mo pag-aari

Isang tinggin
Isang sulyap
Lumingon ng saglit
Wala sa isang iglap

Isang pangungusap
Kahit minadali
Kahit di nakasulat
Hindi na mababawi

Hindi ko pa alam
Ang sasabihin sa iyo
Ayoko munang mag-isip
Saka na natin tapusin ito

Wednesday, August 6, 2008

My Secret

I told my secret to my friend,
My friend told all her friends.
Her friends told all of their own friends,
Those other friends told friends…

It ain’t a f@&$#ng secret anymore!


(a very old poem, ca. 1992, for CW poetry class)