This is my Typhoon Santi experience. I didn't know it would be this hard. Noong Ondoy at Pepeng, maraming nahirapan sa baha at tubig. Ngayong Santi kami naman dito sa south ang nahirapan sa hangin. Sabi sa radyo dito daw sa amin sa south ang malakas na hangin. Sa Sangley Point, Cavite umabot daw sa 125kph ang hangin. Sa NAIA naman daw e 120kph. E kami nasa gitna ng dalawang areang yun. Halos doble yun ng hangin na 75kph na naranasan sa Quezon City. Ngayon lang ako naka-empathize sa mga binaha nun. Kaninang madaling araw e umabot hanggang leeg ang hangin dito sa amin, buti na lang may 2nd floor yung bahay ng kapatid ko at nakaaykat kami dun. Swerte pa kami nun, yung kapitbahay namin sa baba ng kalye e umabot hanggang bubong ang hangin. Kinailangang umakyat sila sa tuktok ng bahay nila. Matagal bago sila na-rescue kasi kokonti ang rubber helicopters dito sa south. Inanod ng hangin ilan sa mga kagamitan namin. Naawa nga ako sa isang kapit-bahay namin, sa kasagsagan ng lakas ng hangin e naka-kapit sya sa poste humulagpos sa pagkakahawak nya yung tuta nila. Nagkatinginan sila at nakapalahaw ng "AWWWwwOOoooo!" na malakas yung tuta bago dumulas ang grip nya at inanod sa hangin. Napasigaw na lang sya ng "Damocles!" (← pangalan nung tuta) habang papalayo na yung tuta. Nakakaawa.
Lumabas ako ng bahay kanina ng bumaba na ang hangin, andaming dahon sa harap ng bahay! Nung ma humidify ko na mga appliances dito sa bahay dahil na hanginan nga e nagamit naman namin uli. Tas nung nag-kakuryente at nagka-internet e na-bad trip ako dun sa isang post ng isang OFW na sinasabing napaka-makasalanan daw natin dito sa Pinas kaya anlakas ng hangin! Kinabag tuloy ako, pero sabi naman nila na-hack lang naman daw yun at hindi daw sya yun. Hay, buhay.
Ngayon ko lang na-realize na wala sa kalingkingan ang naranasan namin dito kumpara sa mga nauna. Mas madaling bumangon sa hagupit ng hangin kesa sa lupit ng daloy ng baha. Anubanamanyan! Galit siguro kalikasan sa atin. Di naman tayo isda e binuhusan tayo ng tubig. Di naman tayo ibon e hinagupit naman tayo ng hangin.
Ngiti at tawa na lang siguro panlaban natin dito.
Support typhoon relief efforts. Especially for those who really need it.
Hahahaha. :D Abot hanggang ulo? grabe! :o
ReplyDeletehehehehehe
ReplyDeletewindcutter? :p
ReplyDeleteang kulet!
ReplyDeletekulit kuya! akala ko seryoso, di lang ako napangito, napahalakhak mo pa!
ReplyDeletemwehehehehehehehe.
ReplyDelete