==================================================================
Martes, normal na araw. Ilang linggo bago matapos ang semestre.
Humahangos na dumating sa tambayan ng Ex Libris sa UP Diliman si Queenie. Kipkip-kipkip niya sa kanyang mga kamay ang isang tambak na papel. Maayos naman ang tambayan sa araw na ito, walang kalat, dalawang maliit na silya, isang mesa, isang mahabang upuan... At si Harry...
Umupo si Queenie sa mala-sofang upuan. Maalikabok, nakaka-kati. Pero okey lang, sanayan lang. Parang bahay niya na rin kasi ito, parang bahay na nga rin ang turing dito ng karamihan ng kanyang kasamahan sa kolehiyo at cnfraternity. Para silang isang pamilya.
Mahina ang hangin na pumapasok mula sa bintana ng gusali. Mahina rin ang pampalamig na dulot lumang bentilador. Napansin ni Queenie si Harry sa harap ng kanyang laptop na pinag-papawisan, pilit tinatapos ang mga dapat tapusin.
"O, nakasubsob ka na naman sa laptop mo, a," sabi ni Queenie, may bahid ng pag-aalala. Sumagot si Harry, di man lang maalis ang mata sa screen. "Kailangan, e. Daming pinababago ng thesis adviser ko. Marami pa ring respondents na hindi sumasagot."
Tahimik. Lumapit si Queenie at pinalis ang buhok ni Harry na nakahulog sa harap ng kanyang mata. Nakakailang, nakaka-harang sa kanyang pagkaka-titig sa laptop. Isang aksyong normal sa kanilang dalawa at tanging sila lang ang nakakagawa para sa isa't isa. Mula sa noo ay bumaba ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ng kausap.
"Magpahinga ka muna, mamaya mo na yan tapusin," ika ni Queenie na nakakunot ang noo sa pag-aalala sa kinakasama. Napangiti si Harry. Dahan-dahang umakyat ang kanyang kamay mula sa kanyang keyboard papunta sa kanyang mukha. Pinisil nya ng mahigpit ang kamay ni Queenie at hinalikan ang palad nito sabay tingin sa mata ng iniirog.
"Huwag kang mag-alala, kaya ko ito. Alam mo namang ikaw lang ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para humarap sa lahat ng pagsubok na ibinabato sa akin ng mundong ito."
Tahimik. Parang dramatic pause sa isang korenovela.
"Ang cheesy!" biglang sambit ni Queenie, sabay saldak ang likuran sa silya para iwasan ang kausap, sabay kibit ng ilong para ipahiwatig ang pagka-inis. Pagkainis ng may halong lambing. "Makakasuhan tayo ng PDA nyan!"
"Ikaw naman," balikwas ni Harry, sabay balik sa pag-tipa ng mga letra sa laptop, "Minsan-minsan lang ako mag-lambing tapos ganyan ka maka-react."
Bumuntong-hininga si Queenie, medyo asar sa kausap. Medyo lang, kasi alam niya na hindi naman niya kayang matagal na mainis dito. Wala sa kanya iyon, hindi niya kaya. Hindi niya kayang magtanim ng galit kay Harry. Si Harry na kasa-kasama niya ng matagal sa confraternity at sa kolehiyo. Si Harry na pumupuno sa kanyang isip... at puso. Tiningnan ni Queenie ang mga papel na dala-dala niya.
Ex Libris Confraternity
Revised Constitution and By-Laws
(for GA referendum)
prepared by Harry MontaƱa
Grand Chancellor, 2007-08
Ex Libris Confraternity
Revised Constitution and By-Laws
(for GA referendum)
prepared by Harry MontaƱa
Grand Chancellor, 2007-08
Ex Libris Confraternity
Matagal niyang sinisipat ang cover page bago niya sinimulang ilatag ang mga sumusunod na pahina para rebisahin.
"Kailan mo balak tingnan uli ito?" tanong ni Queenie kay Harry na hindi pa rin umaalis ang tinging sa Googledocs.
"Ang cute-cute mo pag kunukunot mo ang ilong mo na ganun," sagot ni Harry, may kapilyuhan sa likod ng pinipigil na ngiti.
"Hoy, mister! Sagutin mo nga ng maayos ang tanung ko!" ang sabi ni Queenie, sabay hampas ng rinolyong Constitution and By-Laws sa kasama.
"Oo na, oo na. Promise ko naman sa inyo ayusin ko iyan bago ako mag-graduate, di ba? Wag kang mag-alala, hindi ko kayo pababayaan." Napatigil si Harry ng saglit sa pag-tipa, iniisip ng mabuti kung sasabihin ba niya ang susunod na gusto niyang sasabihin. "Hindi kita papabayaan."
Natulala si Queenie, naglalaban ang tuwa at inis sa kausap.
"Andyan ka na naman, e. Seryoso na nga ang usapan e sinisingitan mo pa rin ng sentimyento."
Dali-daling inayos ni Queenie ang mga papel, medyo may halong dabog. Tumayo siya para umalis.
"Pasok muna ako, may report pa ako sa SAD sa 163," sambit ni Queenie habang lumalakad papuntang computer room, "Tapos may exam pa ako mamaya sa 152."
Nakaka-sampung hakbang pa lang siya mula sa tambayan ng tumigil siya sa paglakad. Ibinaling niyang muli ang kanyang tingin kay Harry.
"Pupunta ka ba mamaya sa booth sa fair?" tanung niya, "Expected ka nila doon. Huling activity na ng Ex Libris yun bago mag-turn over."
Tumingin si Harry sa kanyang direksyon.
"Oo, dadaan ako dun."
"O, sige," masayang tugon ni Queenie, "Kita na lang tayo dun."
Heel-turn na parang tomboyish na modelo, hair-swish na parang shampoo commercial. Naglakad ng kaunti si Queenie at nawala ng tuluyan patungo sa mundo ng documentary requirements na kailangan sa bawat stage ng basic waterfall model sa systems analysis and design.
Nakasunod pa rin ang tingin ni Harry kay Queenie.
==================================================================
End Part 1
Ex Libris (Part 2)
What Happens in Vegas
Iba ang konsepto ng booth.
What Happens in Vegas
Stays in Vegas
Stays in Vegas
Stylized marriage / jail booth na hindi, parang skeletons in the closet. Treinte minutos na magkasama sa isang maliit na tent, nakatago sa mata ng mga dumadaan, binabalutan ng pulang tabing, pinapalibutan ng pulang mga lobong korteng puso at pinapaliguan ng maraming pulang ilaw. "Ano kaya mangyayari kung kaming dalawa ang nakulong dito," isip ni Queenie.
Malayo pa lang ay nakita na niyang naninindahan ang mata ni Harry, pilit hinahanap siya sa booth nila ng Ex Libris. Medyo mahirap nga siyang makita nito dahil nakaupo na siya sa lapag dahil pagod sa pag-aayos ng booth. Kinawayan niya ito para mapuntahan siya sa kanyang pinaroroonan.
"Kanina ka pa?"
"Oo," sagot niya, "Pagkatapos-na pagkatapos ng exam sa 152 ko tumuloy na ako dito."
"Gusto mong mag-dinner?" tanong ni Harry, akmang uupo sa tabi ni Queenie. Hindi na siya nakaupo.
"Yung simple lang... Halika, sa labas tayo. Nakaka-suffocate dito."
**********
Mahirap akyatin ang pataas ng gilid ng Sunken Garden. Nakahanap sila ng patag na mauupuan s may malapit sa tapat ng Malcolm Hall para pagsaluhan ang dalawang shawarma at isang bote ng C2. Bagamat malayo ay ramdam pa rin ang dagundong ng tunog mula sa stage. Pero mas tahimik sa labas ng fairgrounds, mas madaling mag-usap. Kitang-kita ang malalakas na ilaw ng mga booth sa loob, pero naiiba ang sa kanila, pulang-pula, nang-ingibabaw.
"Maayos lumabas yung booth, a," panimula ni Harry, habang ngumunguya, "Sino-sinong kasama mong nag-ayos?"
"Sina Aliya, Maristel, Jennifer at Mars tumulong sa akin. Sina Narvaez at Rodolfo pasulpot-sulpot. Pati si Olivier din."
"Sino nasa loob ngayon?"
"Si Derrick at Fe."
"Anu yun, giving love a helping hand ba? Hehehe."
"Giving love a rude push siguro."
Nangalahati ang mga shawarma.
"Queenie, hindi mo sinagot yung tanong ko nung isang araw. Matutuloy ka ba sa Korea?"
Katahimikan.
Napatingin na lamang sa berdeng dagat ng damo si Queenie. May mga nagbabatuhan ng frisbee sa parte ng damuhan na malapit sa yerong nagsisilbing tabing ng fairgrounds.
"Hindi... Hindi ko kaya." Hindi ko kayang iwan pamilya ko. Hindi ko kayang iwanan ka, nasasaisip ni Queenie. Pero hindi niya na ito sinabi, alam na ni Harry yun.
"Asuuuuu.... Hindi mo lang ako maiwan, e," pangiting sabi ni Harry.
"Sira ka talaga."
Wrapper na lang ang natira.
"Maiba ako, Harry."
"Ano yun?"
"Pupunta nga pala ako ng Baguio."
Si Harry naman ang napalayo ang tingin.
"Pupunta kasi sina Anna, Jessica at Zel sa Flower Festival. Gusto ko rin sanang pumunta. Girl's Out-of-Town, kumbaga. Tsaka gusto ko ring mabisita yung dati kung blockmates."
Nakakabinging katahimikan. Matagal bago nakapagsalita si Harry.
"Blockmates ang pupuntahan mo," tanong ni Harry, "O si Jay?"
==================================================================
End Part 2
Ex Libris (Conclusion)
Stays in Vegas
Stays in Vegas
Treinte minutos na magkasama sa isang maliit na tent, nakatago sa mata ng mga dumadaan.
Sa labas binabalutan ng pulang tabing, pinapalibutan ng pulang mga lobong korteng puso at pinapaliguan ng maraming pulang ilaw. Sa loob ay ganoon din. Parang nasa loob ng darkroom ng isang photography studio. Walang pagkain, bawal ang cellphone at mp3. Nakakabagot. Nakaka-ilang. Minsan nakakatakot.
Dalawang monobloc ang tanging kagamitan sa loob ng tent. Iisa lamang ang inuupuan.
Nakaupo si Fe sa may kalagitnaan ng tent, sinusundan ng tingin ang lakad ng lakad na si Derrick. Ang monobloc ni Derrick ay naka-lagay sa may pasukan ng tent.
Beinte-sinko minutos pa.
"Maupo ka nga. Nahihilo na ako sa kakaikot mo."
"Sorry, Fe. Nabwibwisit lang ako. Sino bang may ideya nitong booth na ito?"
"Si sir siguro, siya lang naman ang baluktot ang katwiran sa college natin, e."
"Gago talaga yun."
Beinte minutos pa.
"Derrick, maupo ka nga!"
Lakad, lakad, lakad.
"Alam mo, hindi ko maintindihan, e."
"Ang alin?"
"Ito."
"Ito?" tanung ni Fe, "Anong ibg mong sabihin?"
"Ito!" asar na sambit ni Derrick, sabay kaladkad sa silya at upo sa harap ni Fe. "Bakit tayong dalawa?"
"Aba, ewan."
Awkward silence.
"Bawal din ang yosi, ano ba yan?!"
"At sa palagay mo papabayaan kitang mag-yosi na kasama ako?"
Disisiete minutos bago buksan ang tent.
"Hindi nga," tanung ni Derrick, "Bakit nga tayo?"
Tayo. Lakad, lakad, lakad.
"Baka may nakita sila na akala nila ay..." simula ni Fe.
"Ay ano?" litong tanung n Derrick sabay kunot ng noo.
"Ewan... Assuming lang sila siguro. So much drama! Let it go, Derrick."
Kinse.
"Ano naman ine-expect nila na mangyayari sa atin dito? Magme-make out?"
"Neknek mo!"
"I wasn't hitting on you, Fe."
"Oh."
Tahimik. Dumadagundong pa rin ang ingay mula sa stage sa labas.
"Namumula ka, Fe."
"Utot mo! At paano mo naman nasabi yun, aber? Nakita mo ng pula ng ilaw dito sa loob!"
Napangiti si Derrick. "Ikaw naman, hindi ka na mabiro."
"Ano yun, nanghuhuli ka ng lagay na yon?" inis na balik ni Fe, sabay ekis ng mga bisig sa kanyang harapan.
May dumaang anghel. Lihim na tiningnan ni Derrick ang ayos ni Fe.
"Alam mo sa non-verbal comm andaming ibig sabihin ng posture mo ngayon."
"I'm not listening to you," nakapikit na tugon ni Fe.
Ten minutes.
"Fe, sino na ba nauna sa atin dito?"
"Well," natigilan ng bahagya si Fe, nagisip, "Sina Ghee, kanina. Ayun, okay na sila. Yung sumunod hindi ko kilala, pero nakakasalubong ko sa college. Yun e disaster."
"Disaster?"
"Oo, kanina pa sigawan ng sigawan dito sa loob. Wala namang na-resolve. Walk-out yung guy. Naawa nga ako kina Veron, napag-buntunan pa ng galit nung girl."
"Baka nga may nakita sila sa atin."
"There is no ATIN, Derrick."
Seven.
"Baka naman may aaminin ka sa akin," pakutyang bungad ni Derrick, sabay ngiti.
"The nerve! Baka ikaw!"
"Ako? Wala, ha!"
"Anung wala? Nahuhuli kitang sumusulyap-sulyap sa akin sa 160 last sem!"
"SO! Sinetup mo ito to draw a confession out of me."
"WALA AKONG SINESET UP!"
**********
Napalingon si Veron sa kinaroroonan ng bukasan ng tent dahil sa ingay.
"Diyos ko, away na naman," aniya, sabay tapik sa braso ni Jennifer, "Ano, palabasin na natin ng maaga?"
"Bayaan mo," sagot ni Jennifer, "Thirty minutes is thirty minutes."
"E baka ako na naman ang balingan ng nasa loob nyan kagaya nung kanina. Ayokong may kaaway."
"Bayaan mo sila," reassuring na sagt ni Jennifer, "Trust me on this. Tutal ilang minuto na lang."
"Sigurado ka, ha?"
"Trust me," sagot ni Jennifer, "Aaayos yang dalawang yan."
**********
Ano ba itong napasok ko? Tanong ni Derrick sa sarili. Makikinig lang ako ng mga banda at eto ako ngayon, parang ako pa ang may kasalanan.
Sa pagkakataong ito ay itinalikod ni Fe ang kanyang upuan kay Derrick. Tahimik.
Five minutes.
May mahinang hikbi.
"Sorry, Fe."
"You're calling me a liar!"
"Hindi!"
"For your information hindi ko ideya ito. Wala akong kinalaman dito. Pareho lang tayong biktima."
Four minutes.
"Fe?"
Three and a half minutes. May mga hikbi pa rin.
"Fe?"
Tahimik.
"Oo, sumusulyap ako sa iyo nung 160 natin kay sir noon."
Three minutes.
Tahimik.
Two minutes.
"Fe?"
"Guys, okay na ba kayo?" Tanong ni Veron habang dumudungaw sa pasukan ng tent, "Okay na yung donation ng sponsor nyo para sa projects ng SC. Message niya sa inyo sana okay naman kayong dalawa. Hindi namin pwedeng i-reveal kung sino, pero he / she is hoping for the best for the two of you. One minute to wind up then okay na. Have a happy UP Fair sa inyo." Sinara uli ni Veron ang flap ng tent.
One minute.
"Fe?"
Ipinatong ni Derrick ang kanyang kamay sa balikat ni Fe, tinitingnan kung umiiyak pa rin ito.
"I'm..." tumayo si Fe, nakatungong nagtuyo ng luha at humarap kay Derrick, "I'm okay..."
Mula sa pagkakatingin sa lapag ay unti-unti niyang itinaas ang kanyang mata at tiningnan ang kasama ng nakaraang kalahating oras.
"We're alright?" tanung ni Derrick na medyo nag-aalala.
"We're alright," tugon ni Fe.
At sa pagbukas ng tent, lumabas patungong kalagitnaan ng fairgrounds si Fe. Nakasunod sa kanya ang tingin si Derrick. This is not closure, nor is it a beginning, sabi nya sa sarili. It's just someone's idea of a sick and cruel joke.
It isn't funny.
**********
"Ang lakas mo magselos, Harry!" balikwas ni Queenie habang nanlalaki ang mata.
Tahimik lang si Harry. nasabi na niya ang gusto niyang sabihin.
"Wala na kami ni Jay, ano. Ikaw ang boyfriend ko."
"Alam ko, pero..."
"You have to learn to trust me, you know."
Nagsa-sound check ang Crude Oz sa stage. Hindi rin ma-enjoy ni Harry, lumilipad ang kanyang isip pero nakatali ang diwa sa sinasabi ng kasama.
"I... I trust you."
Leap of faith para kay Harry. Compromise para kay Queenie. Assurance para sa kanilang dalawa.
"That's," simula ni Queenie, isang ngiti ang kasama, "all I needed to hear. At least hindi ka na plat-apek na deaf-mute. Hehehe."
May ganti na ngiti mula kay Harry, kadalasa'y matipid pero hindi siya ganoon pag si Queenie ang kaharap.
"Halika na nga," aya ni Harry, "baka hinahanap na nila tayo."
At nagsimulang maglakad ang dalawa papuntang entrance.
"Teka nga pala, Harry."
"Ano?"
"Ano tawag nila sa akin next sem pag wala ka na at ako na may hawak sa Ex Libris? Lady Chancellor?"
"Basahin mo sa Revised Constitution and By-Laws, nandun yun."
"Si UPCat, pwedeng gawing mascot?"
"Nasa Revised Constitution and By-Laws nga."
==================================================================
End
haaaaaaaaaaaay. nakaka-miss lalo ang diliman. =)
ReplyDeleteHehehe.
ReplyDeleteahahahaha. ayaw nyo sa pocketbook sir? dramarama sa hapon kaya? hehe.
ReplyDeleteay ano ito ha? what a story =) wala ka magawa, no?
ReplyDeletesir, sino yung character ko dyan? :P
ReplyDeleteparang trulalu ha! parang kilala ko yung ibang karakter! LOL! nakakaaliw! ang galing mo sir! :)
ReplyDeletemore!
ReplyDeleteainaku. naku. slis pa ako. sa bahay ako magcocomment ng todo dito! wooot! :P
ReplyDeleteWyndel and Jen, I am a psychic! O di ba, hindi pa nangyayari e naisulat na? :D Mwehehehe....
ReplyDeleteNaku, Wyndel, ibang storya gagawin ko sa nangyari sa Drupal nyo ni Charm. :D
Tan, wala nga akong magawa. O_o;;
Veron, naku, sa ginagawa natin sa SLIS e hndi ako nakakapanuod ng dramarama sa hapon. :D
sige sir, primetime na lang! pamalit sa mga fantasy-based na may corny na effects!
ReplyDeleteSir, hindi naman masyadong detalyado ang inyong kwento noh?! Pero aliw siya.. Hehehe! May vol.2 ba ito? :)
ReplyDeleteWala na siguro. Gra-gradweyt na si Harry, e. :D
ReplyDeleteTalaga? Sad naman... So dun na magtatapos kwento nila? :((
ReplyDeleteHahahaha!
nakakabitin naman! :p
ReplyDeleteSi Derrick at Fe meron pa... O_o;;
ReplyDeleteTsaka idedelay naman at nung adviser yung pag-gradweyt ni Harry. :D
Hahaha! Ganun. Hawak pala nung adviser ni Harry ang kwento nila ni Queenie! :P
ReplyDeletesiguro si sir ang adviser ni harry! hahahaha.
ReplyDeleteO_o;; Huy, amalgamation sila lahat yan ng mga taong kilala ko. O_o;;
ReplyDeleteTsaka nasa sa kanila na yun. They control their own destiny. :D
(Bakit parang feeling nyo e totoong mga tao sila?) O_o;;
kasi parang totoo kayo magsulat sir! hahahaha.
ReplyDeleteO_o;;
ReplyDelete.
.
.
...
:D
wow. kasama pala kami dito. yey!
ReplyDeleteNye! Last year pa nga ito. Hehehe.
ReplyDeleteLooking back at this, meron nga mga nag-gradweyt, may tutuloy nga ng Korea at tutugtog din Crude Oz sa fair this year.
Hehehe.
tama ba may nangyaring ganito 1 yr later? psychic nga ba ako?
ReplyDeleteAnd one yr later, totoo pala ito. No names tho. Hehehehehehe.
ReplyDeleteAnd one yr later, totoo pala ito. No names tho, sorry. Hehehehehehe.
ReplyDeleteGaling Igs! You have ESPN!
ReplyDelete