Sunday, February 24, 2008
Pawang Kathang-Isip Lamang (part 1)
Humahangos na dumating sa isang tambayan ng org sa UP Diliman si Q. Kipkip-kipkip niya sa kanyang mga kamay ang isang tambak na papel. Maayos naman ang tambayan sa araw na ito, dalawang maliit na silya, isang mesa, isang mahabang upuan... At si K...
Umupo si Q sa mala-sofang upuan. Maalikabok, nakaka-kati. Pero okey lang, sanayan lang. Parang bahay niya na rin kasi ito, parang bahay na nga rin ang turing dito ng karamihan ng kanyang kasamahan sa kolehiyo at org. Para silang isang pamilya.
Mahina ang hangin na pumapasok mula sa bintana ng gusali. Mahina rin ang pampalamig na dulot lumang bentilador. Napansin ni Q si K sa harap ng kanyang laptop na pinag-papawisan, pilit tinatapos ang mga dapat tapusin.
"O, nakasubsob ka na naman sa laptop mo, a," sabi ni Q, may bahid ng pag-aalala. Sumagot si K, di man lang maalis ang mata sa screen. "Kailangan, e. Daming pinababago ng thesis adviser ko. Marami pa ring respondents na hindi sumasagot."
Tahimik. Lumapit si Q at pinalis ang buhok ni K na nakahulog sa harap ng kanyang mata. Nakakailang, nakaka-harang sa kanyang pagkaka-titig sa laptop. Isang aksyong normal sa kanilang dalawa at tanging sila lang ang nakakagawa para sa isa't isa. Mula sa noo ay bumaba ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ng kausap.
"Magpahinga ka muna, mamaya mo na yan tapusin," ika ni Q na nakakunot ang noo sa pag-aalala sa kinakasama. Napangiti si K. Dahan-dahang umakyat ang kanyang kamay mula sa kanyang keyboard papunta sa kanyang mukha. Pinisil nya ng mahigpit ang kamay ni Q at hinalikan ang palad nito sabay tingin sa mata ng iniirog.
"Huwag kang mag-alala, kaya ko ito. Alam mo namang ikaw lang ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para humarap sa lahat ng pagsubok na ibinabato sa akin ng mundong ito."
========
End Part 1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
waw. si sir o, sabi sa facebook ako daw ang "most likely to be a hopeless romantic"..kayo pala ang romantic eh! heehee. =D
ReplyDeleteMwehehehe. Fit mo pa rin ang description na yun kasi ikaw ang unang nag-bukas. :D Mwehehehe.
ReplyDeleteahahahaha. nagkataon lang po na ako lang ang online! haha.
ReplyDeleteoh noh! lalaki nang ganap si qiqo? hahahahaha!
ReplyDeletengek. graduate na si kiko. :D bawal daw manghula. :D
ReplyDeletesige na nga... i quit! XP
ReplyDeleteAng cheesy! Hahaha! :D
ReplyDeleteSi Sir o.. Me tinatago palang ganito..
kala ko naman rated x ito! sayang! hehehe
ReplyDeleteHanep! parang chapter sa tagalog pocketbooks ah! pinoy na pinoy ang style! mwehehe
ReplyDeleteHehehe.
ReplyDeletehay nako, im sure..codenames lang to ng mga taong totoong involved! kung sino man ang mga ito, umamin na! :) hehehe...
ReplyDeletewhoa! hahahaha...tama bang ganito ang tema ng sinusulat nyo sir? sino ka??? lumabas ka katawan ni sir igor! hahahaha
ReplyDeleteHehehe. Sige na nga... lalagyan ko na ng pangalan at hindi na letra lang.
ReplyDelete