Thursday, September 11, 2008

Nakaukit sa Bato


Konting ligaya
Konting lungkot
Padaplis-daplis lang
Pagkat buhay ay maramot

Konting inom
Pantanggal ng bagot
Konting usap
Pantanggal ng gusot

Iniisip parati
Mga dagok ng buhay
Madalas ninanais
Na ika’y walang malay

Ganyan talaga
Isipin kasinungalingan
Sa presinto magpaliwanag
Limot ang katotohanan

Isipin ang tama
Pabayaan ang mali
Palampasin ang pagkakataon
Panahon ay di mo pag-aari

Isang tinggin
Isang sulyap
Lumingon ng saglit
Wala sa isang iglap

Isang pangungusap
Kahit minadali
Kahit di nakasulat
Hindi na mababawi

Hindi ko pa alam
Ang sasabihin sa iyo
Ayoko munang mag-isip
Saka na natin tapusin ito

23 comments:

  1. ano sir? haranahin na ba? :D
    alalahanin nyo may batalyon kayo na mga musikero musiko

    ReplyDelete
  2. wag na. wala nang pag-asa yan.. anditch ko! haha.

    ReplyDelete
  3. sus... di pa nga nag-uumpisa, wala ng pag-asa... meron yan... =D

    ReplyDelete
  4. @jenagustin... very very comforting. >:(

    ReplyDelete
  5. hehehehe. natuwa naman ako dun. :D
    baka lalong ma-tone deaf kung puro rock pang-harana.

    mwehehehehe.

    ReplyDelete
  6. pwede mo naman tawagin ang Singing Librarians.. ahemm! =))

    ReplyDelete
  7. Ummm, before people get the wrong ideas or start assuming (ika nga sa circles na ginagalawan ko, bawal mag-assume). Let me stress that, yes, I am a writer and yes, I did start writing with poetry and not with feature writing (common belief yun, but it's true, I started with poetry, it's in the UPD indexes somewhere, sa mga nag-index sa OJT alam yun). I've always been called juvenile whether it be prose or poetry... Sorry kung di sya sing lalim ng other works which you read. *dancing banana*

    ReplyDelete
  8. Sir wag mong ipaliwanag ang pagiging writer mo. Alam na ng mundo yun. ang content ang pinag uusapan dito. *evil grin*

    ReplyDelete
  9. Kung malalim na ang pinaghuhutan, kahit ano kaya mong isulat. O_o;;

    Aysus...

    ReplyDelete