Friday, April 4, 2008

Ex Libris: End of March


Hanggang end of March na lang...

Mainit, summer, may tao pa rin sa tambayan ng Ex Libris kahit umuwi na ang karamihan ng probinsya. Kinawayan nya ang kaibigang kanina pa naghihintay sa kanya.

"Hi, sir," bungad ni Gaea na humahangos na dumating sa Tambayan sabay kaway rin sa propesor na kasama ng mga thesis people.

"O, kanina ka pa hinihintay ni Jess."

"Oo nga, po."

"O, kayong dalawa? Kelan kayo gragraduate?"

"Summer na kami, sir," sagot ni Jess.

Nabaling ang tingin nila sa mga nakaupo nang may tumawa, meron sigurong nagbiro na naman. Parati namang ganito ang tambayan, masaya, maraming nagtatawanan.

"O," balik ni sir sa dalawang babaeng kausap, "Kunan nyo na ng litrato, hindi na mauulit yan. Gragraduate na yang lahat."

Biglang tumakhimik si Gaea. Nagsimula itong humikbi. Tumigil ang tawanan. Di na mapigilang tumulo ang luha, unti-unting tumalikod si Gaea.

"Huy! Wag kang umiyak."

"Okay lang ako, sir."

Nang matuyo na niya ang mga luha, humarap sya sa mga kaibigan at binuksan ang kanyang bag at dinukot ang baong digicam. Sa huling pagkakataon ay kinunan nya ng litrato ang kanyang mga kaibigang nakaupo sa tambayan.

14 comments:

  1. waah.. gagradweyt na sila.. *sniff*

    ReplyDelete
  2. Kaya nga naiyak, e. :D
    Nagkalat pa ang grad pic nung araw na yun.

    ReplyDelete
  3. naku. di paku nakakahingi ng gradpic sa kanila..hehe!

    ReplyDelete
  4. correct me if i'm wrong... nickname ba yung Gaea???

    ReplyDelete
  5. Yup, true story yan, Wee. Hindi fiction. :D (P1110327.JPG)

    ReplyDelete
  6. Thesis people! :)
    Kinarir tlaga ang thesis. Congrats!

    Sana di na namin kayo makita nextsem! Hahaha. JK! :)

    ReplyDelete
  7. narinig ko nga sir... hehehe... may umiyak daw...

    ReplyDelete
  8. eto ba yung sinasabi ni liz na dapat kong linisin??? hehehe

    ReplyDelete
  9. bakit ang kalat?!!!!!! parang kwarto ko

    ReplyDelete
  10. Hehehehe. Nakakatamad maglinis nuon dahil sobra init.

    ReplyDelete
  11. S i Gaea nga. :D Baka di mo na naging kaklase. P1110327.JPG

    ReplyDelete
  12. BWAHAHAAHAHAHA!
    Oo nga, ano.
    May pumuna siguro...

    ReplyDelete